
Wikang Tagalog
Wikang Tagalog, aking salita
Ito'y aking ginagamit saan man ako pumunta.
Ito'y aking ginagamit saan man ako pumunta.
Ating wika hindi dapat ikahiya,
Imbis na ikahiya dapat nating ikatuwa.
Imbis na ikahiya dapat nating ikatuwa.
Magagalang naming salita,
Po at Opo sinasabi namin sa mga matatanda.
Po at Opo sinasabi namin sa mga matatanda.
Magandang Umaga, Hapon at Gabi,
Aming ginagamit sa pag bati.
Aming ginagamit sa pag bati.
Kaya ating wika palagi nating mahalin,
Pagkat ating mga bayani ito sa ati'y tagubilin.
Pagkat ating mga bayani ito sa ati'y tagubilin.
No comments:
Post a Comment