Ang Gitara Ang Dahilan
Ikaw ang unang gumamit ng gitara ko nang walang paalam,
Hanggat sa dumating, ito’y palagi mo nang hinihiram.
Gitara ko ay bago pa lang,
Kaya ito’y aking iniingat-ingatan.
Ilang araw din bago kita nagging kaibigan,
Ang gitara ko ang dahilan kasi hiram ka ng hiram.
Tugtugan, tawanan at kwentuhan ang aking naririnig,
Habang ang aking mga mata ay sa iyo nakatitig.
Ngiti, buhok, mata at pag-gigitara,
Aking pinagmamasdan sayo isa-isa.
Ilang araw din kitang hindi nakita,
Ilang beses ka din nasa aking isip at panaginip.
Nung araw na nakita ulit kita,
Sigaw agad ng puso ko “GRABE POGI NIYA!”
Subalit tumigil lahat ang aking kasiyahan.
Meron kang ibang tinuturuan mag gitara at palagi mo siyang kausap at sinusundan.
Mabait, cute, palabiro…Yan ang mga katangiang nagustuhan ko sa kanya,
Ngunit hindi pa siguro siya ang PERFECT GUY ko.
Pero at least nag karoon ako ng bagong hinahangaan,
At ang gitara ko ang dahilan.
No comments:
Post a Comment