Tungkol sa pagmamahal…
1. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
[Angellica: Bakit nga ba ang iba ganun? Sinisisi nila ang kanilang puso o ibang body organs maski walang mga kasalanan yun (Siguro kasama na ako dun paminsan). Dapat nga ang sarili nila ang kanilang sinisisi kasi sila din ang pumili sa mali.]
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."
[Angellica: Ilalagay mo nalang yung quote na yun sa pwesto ng tao. Kung magmamahal ka na isang tao at ayaw mo siyang iwanan, siguraduhin mong mamahalin mo siya nang totoo at kung hindi baka siya pa ang umiwan sa’yo.]
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
[Angellica: Huwag ka magmahal ng tao maski alam mong mawawala din ang pagmamahal na iyon. Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati siya.]
4. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
[Angellica: Para lang yan love triangle sa tao. Mahal mo ang isang tao at pinipilit mo siya na mahalin ka din niya. Subalit may nagmamahal din naman sayo na iba hindi mo lang alam at ayaw mo lang siya pansinin.]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment